|
hindi na kinailangang pag-usapan kung ano ba ang dahilan ng biglang panlamig sa isa't-isa nung nakaraang araw. sa totoo lang may mga dahilan. dahilan na mababaw tulad ng sama ng pakiramdam na nahaluan ng pagkadismaya sa resulta ng exam...at higit siguro dahil sa pagpunta sa library ng maaga at sa oras ng pagtulog at pag-aral para di na lumala ang sakit. na parang nabaliwala sa katahimikan kaya nagbunga marahil ng lamig.
pagkalabas ng building, ni hindi ko na nga inabangan na iabot mo ang kamay mo--pero inabot mo at kinuha ang akin. naglakad man ng tahimik sa daang tayo lang ang umaangkin sa mga sandaling iyun, unti-unti namang uminit ulit ang samahan sa bawat hakbang.
ang halik sa pisngi ay sinuklian ng ilang beses na higpit sa pagkakahawak sa kamay na may kasabay na mga hagod sa mga daliri.
at itinaas mo ang kamay ko na hawak ng kamay mo at ito'y iyong hinalikan.
sa mga sandaling iyon, wala ng panlalamig. nagkahingian na ng patawad at pangunawa para sa mga pangit na nangyari. hindi na kinailangang banggitin ang mga salita ramdam na kahit ng hangin. |
| Leave a Comment: |