Entry: 10/05/05 Friday, October 06, 2006



 

Image Preview

ngayong gabi

isang taon

ng

wala

sa piling ng mahal ko

ang babaeng

pinakamamahal

niya

 

sana

isang gabi

makasama at makausap niya

kahit

sa panaginip man lang..

*Paano ang puso kong ito
Ngayong lumisan ka sa buhay ko?
Kung kailan sumikat ang araw
At lumigaya ang aking mundo...

Paano na ang mga bukas ko
Ngayong wala ka na sa piling ko?
Paanong mga pangarap, mga pangako sa bawat isa?

Sana'y ika'y muling makita ko
Damhin ang tibok ng puso mo...
Sana'y yakapin mong akong muli...
Kahit sandali...
Kahit isang saglit mayakap ka...

Puso ko'y biglang naulila
Iyong iniwanan na nagiisa..
.

 

hatinggabi nilisan niya ang mahal ko

pagkatapos ng higit anim na buwang hirap

at pagaasam na sana hindi dumating ang araw na magugunaw ang mundo niya

pasado hatinggabi nang nakita kong humagulgol sa sakit,

sa pagkabigla sa bagay na di ginustong antabayanan

sa pagwawakas ng buhay

 

mag-aalas dos ng umaga

umupo tayo sa labas ng kaniyang kwarto

sa sahig

sinubuan pa kita ng fries galing sa ating mcdo

 

isang taon na

isang taong walang kapalit

ni hindi mababawi ng kahit anong kasayahan at tagumpay

 

isang taon nang lumuluha ang mahal ko...

 

*"isang saglit"

 

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments